bag•tíng 1: lubid o kawad na nakatalì ang magkabilâng dulo sa magkalayông talian 2: pisi o munting kawad na nakatalì sa kudyapi, gitara, at kauring instrumentong pangmusika na kinakalabit upang tumugtog 3: malakíng kawad na ginagawâng suhay sa bahay kung bumabagyo 4: lubid, kawad, baging, o anumang katulad na balakid o hadlang sa daan 5: batingaw