bit•lág 1: salá-saláng piraso ng kawayan na idinadagan sa pawid na atip 2: nakatalìng mga biniyak na kawayang inilalatag sa lunas ng bangka at nagsisilbing sisidlan ng húling isda 3: maliit na upuan sa isang bangka
bit•líng 1: galáng o singsing na metal na kalupkop sa puluhan ng gulok 2: galáng o singsing na metal o yantok na ikinakabit sa puluhan ng pampukpok upang hindi malaglag
bi•tó•ngol : maliit na punongkahoy (Flacourtia indica) na may mga tinik ang bunged, may malalakíng sanga, at may bungang nakakain, katutubò sa Filipinas