bít•so 1: malambot na kakaning gawâ sa galapong na isinawsaw sa arnibal at ipiniprito 2: sawsawang gawâ sa arina o pulbos na bigas, gaya ng ginagamit sa lum-piya o kayâ ang palabok sa pansit
bi•tu•ín 1: anumang lawas pangkalawakan, maliban sa buwan, na natatanaw bilang kumikislap na mga tuldok sa madilim na langit 2: anuman sa malalaki at nagniningning na lawas pangkalawakan, gaya ng araw, na may sariling liwanag 3: lawas pangkalawakan, gaya ng mga planeta, na itinuturing na may kinalaman sa mga tao at sa mga pangyayari 4: a pigurang heometriko na may lima o higit pang puntong sumisinag mula sa gitna b anumang kahugis nitó 5: a tanyag na artista o mang-aawit b artistang gumaganap ng pangunahing papel sa isang palabas c tao na nangunguna o kapansin-pansin sa isang larangan
bi•tú•ka : bahagi ng lamanloob ng tao o hayop, likaw-likaw na túbong lagusan ng tinutunaw na pagkain mula sa sikmura hanggang puwit