bi•tú•kang ma•nók 1: alga (Enteromor-pha intestinalis) na tuwid at sala- salabid ang thallus 2: zigzag na lansangan
bitumen (bay•tú•men) : kahawig ng tar, halò ng mga hydrocarbon na mula sa petrolyo at karaniwang ginagamit na pantapal sa kalsada o bubong
bí•was 1: bigwás 2: isang puno ng bakawan na iniluluto at kinakain ang bunga 3: bingwit o pamimingwit
bi•yák 1: bahagi ng isang bagay na nahati, gaya ng isang biyák na kawayan 2: putok o sirà ng isang bagay 3: kasunduan ng mga nagsasabong na paghatian ang tandang na natálo
bí•yá•kan : sa Bulacan, laro ng dalawang laláki na kapuwa nag-uunahán sa pagbiyak ng tubó sa pamamagitan ng itak