bi•yo•lo•hí•ya 1: agham ng búhay 2: buháy na mga organismo o mga proseso ng búhay sa pangkalahatan 3: mga haláman at hayop na nabubúhay sa isang rehiyon
bi•yo•lón : pangatlo sa pinakamalakíng instrumento na kabílang sa pamilya ng mga biyolin at ipinupuwesto nang patayô sa pagitan ng hita ng tumutugtog
bi•yo•lón : pangatlo sa pinakamalakíng instrumento na kabílang sa pamilya ng mga biyolin at ipinupuwesto nang patayô sa pagitan ng hita ng tumutugtog
bi•yop•sí•ya : pag-aaral sa himaymay mula sa isang buháy na organismo upang maláman ang pagkakaroon o kalubhaan ng sakít
bi•yu•kó : malakíng susông lupa, pinaniniwalaan na nakararamdam ng paratíng na bagyo kayâ kasabihan na “maging mabait sa biyuko.”
blá•ba : pahalang na bahagi ng bahay sa magkabilâng gilid ng lowo na nagsisilbing pook sa paggawâ o pag-uusap