bo•ka•dú•ra 1: husay sa pagsasalita 2: bokílya2 3: kakayahan sa pag-awit o pagtugtog ng instrumentong hinihipan
bo•kál 1: kagawad ng komiténg panlalawigan at pandistrito ng bilangguan 2: kágawad ng sangguniang panlalawigan
bo•kas•yón 1: hilig o propesyon 2: pagsisilbi sa Diyos gaya ng pagpapari 3: karagdagang gawain bukod sa hanapbuhay o trabaho
bo•kas•yo•nál 1: hinggil sa bokasyon o hanapbuhay 2: hinggil sa gabay o alituntunin sa isang propesyon o hanapbuhay
bo•ka•tí•bo 1: hinggil sa kaukulan ng pangalan ng tao o bagay na tinutukoy sa pangungusap 2: hinggil sa o ginagamit sa pagtawag o pagtukoy