bo•lí•tas 1: maliit na aserong bola na karaniwang matatagpuan sa bering 2: maliit na bilugang píldorás
bollard (ból•yard) : mababàng poste sa tabíng kalsada o piyer na yarì sa metal, kongkreto, o plastik, at ginagamit na pananggalang, talian, o pangharang
bó•lo-bó•lo 1: kambing na bago pa lámang tinutubuan ng sungay 2: sisidlan na yarì sa sungay na pinaglalagyan ng tinunaw na ginto o katulad