bo•kíl•ya 1: tumu-tukoy sa bibíg o ngusò ng isang ba-gay na may ganitong húgis 2: bahagi ng instrumentong pangmusika na ginagamitan ng bibíg 3: sisidlan ng bombilya ng ilaw
bó•kus : hugis bangang basket na masinsin ang pagkakalála maliban sa puwit nitó, at pinagsisidlan ng bálang
bó•la 1: bilóg o bilugáng bagay; hungkag o solido na karaniwang ginagamit sa larong gaya ng beysbol o basketbol 2: bagay na kahugis nitó 3: seremonya o akto ng pagkuha sa mananalong numero sa huweteng, loto, binggo, at katulad 4: pahayag na maaaring totoo o biro upang papaniwalain ang pinagsabihan