bo•lá•lo 1: bukong-bukong 2: pansapin sa tuhod 3: uri ng kuhol na ginagamit sa pagpapakintab ng uri ng gamit na yari sa putik
bó•lang-bá•kal : bilóg at solidong bákal, may sahing at base na pabilog, at nilalagyan ng hiyas na bató
bold 1: malakas ang loob 2: madalîng mapansin 3: sa imprenta, , higit na maitim ang limbag 4: a hubád b mahálay
bo•lé•ro 1: sayaw ng mga Espanyol na may simpleng kompás na tatluhan 2: jaket na maaaring wala o may kuwelyo at manggas, at isinusuot nang nakabu-kás sa may harapan 3: mambobóla, bo•lé•ra kung babae
bó•li-bó•li : isdang-alat o isdang-tabáng (Ariomma indica) na may maninipis at madálang na kaliskis, karaniwang ginagawâng daeng