bongo (bóng•go) : alinman sa pares ng maliliit at may mahabàng katawan na tambol na karaniwang pinipigil sa pagitan ng mga binti at tinutugtog ng mga daliri
bo•ngól 1: palaso na walang bakal at sa halip ay botones ang nakakabit sa dulo nitó 2: pansúkat ng langis ng sesame
Bonifacio, Andres (bo•ni•fás•yo, an• drés) : (1863 -1897) pambansang bayani, makata, at tagapag-tatag at supremo ng Katipunan
bo•ni•tán : yerba (Lilium longiflorum) na tuwid at walang mga sanga, salitan ang dahong hugis pana, walang tangkay o uhay, mabango at hugis trumpeta ang bulaklak, at putî ang korola
bo•ní•to 1: isang uri ng isdang-alat (family Thunidae) na humahabà nang 90 sm, kulay abuhing-bughaw, at may pahilis na itim na guhit sa likod 2: magandang laláki, bo•ní•ta kung babae
bo•nó 1: pakikibáka 2: yerba (Polygonum chinense) na gumagapang, mamulá-mulá ang mabukóng punò, mabalok ang lungting dahon, at puláng lila ang tadyang