box office (baks ó•fis) 1: opisina ng dulaan o katulad na pinagbibilhan ng mga tiket 2: a Tro pinagbilhan ng mga tiket para sa isang dula o katulad na palabas b popular na palabas na mayroong nagbabayad na manonood at kumikíta
bó•ya : uri ng palutang na ginagamit na pananda para makíta na naglalakbay ang mga tangrib, bahura, at iba pang panganib sa dagat
boy•bóy : maglahad ng mga bagay mula simula hanggang katapusan, tulad ng paglalahad sa angkán ng isang tao
boy scout (boy is•káwt) 1: pandaigdig na samahán ng mga batàng laláki na 11-19 taóng gulang, itinatag sa Great Britain noong 1908 2: kasapi nitó
brace (breys) 1: anumang nagpapanatiling magkadikit o magkasalikop ang dalawang bagay 2: anumang pang-ipit, gaya ng gato 3: anumang nagpapatatag 4: pínong kawad o alambre na ikinakabit sa ngipin upang maisaayos ang pagtubò nitó