brainwash (breyn wash) : ipailalim ang tao sa mahabàng daloy ng pagpapanibago ng paniniwala; baguhin ang paniniwala.
brá•ket 1: isang uri ng nakaanggulong rektong suporta at nakakabit sa dingding o pader upang tumukod sa shelf, lampara, o iba pang bagay 2: panakláw
brak•té•a : modipikadong dahon o kaliskis na may lamáng bulaklak, at karaniwang mas makulay pa kaysa bulaklak, katutubò sa West Indies
brand 1: uri ng produkto na gawâ ng isang kompanya at may tiyak na pangalan 2: brandname 3: marka o tatak na likha ng hero sa balát ng mga báka, kabayo, at iba pang hayop o batay sa lumang kaugalian, sa mga kriminal o alipin 4: dapúlan 5: ugali o katangian na nagdudulot ng kahihiyan o kasiraang-puri
brand 1: lagyan ng marka o tatak ang hayop, o batay sa lumang kaugalian, ang kriminal o alipin sa pamamagitan ng héro 2: ilarawan ang isang tao o bagay , bílang masamâ o kahiya-hiya 3: bigyan ng brandname
brandname (bránd•neym) 1: pangalan na ibinigay sa produkto o isang pangkat ng mga produkto, lalo na ang isang trademark 2: pamilyar at kilaláng pangalan
brand new (brand nyu) : bágong-bágo; bagong modelo at kalalabas pa lámang sa pagawaan, gaya ng bagong awto o anumang kasangkapan