bo•vé•da : nakaarkong estruktura, karaniwang yarì sa bató, semento, o tisa, at bumubuo sa bubong o kisame ng gusali, bulwagan, at katulad
bów•ling : laro na gumagamit ng isang makinis na alley at pinagugulungan ng bola upang patamaan ang sampung bolilyo sa dulo
box (baks) 1: kahón1 2: maliit at laging-lungti na punong-kahoy (Buxus sempervirens) sa Europa na ginagamit noon ang kahoy para sa mga instrumentong pangmusika 3: katulad na punongkahoy (Casearia praecox) , na matatagpuan sa tropikong Amerika at may kahoy na pumalit sa mga gamit ng box Europeo