brá•so 1: bahagi ng katawan ng tao, mulang siko hanggang pulsuhan ng kamay 2: bahagi ng kasangkapan o kagamitan na patungán ng kamay o hawakán
brass 1: tansô 2: kasangkapan o kagamitang yarì sa ganito 3: a instrumento na kahawig ng trumpeta b pangkat ng ganitong instrumento sa orkestra o banda
breakwater (breyk•wá•ter) : piyer o estruktura ng mga bato o katulad na nakaungos sa dagat o ibang lawas ng tubig upang protektahan ang daungan o puwerto, at basagin ang puwersa ng mga alon
breed (brid) 1: magpalahi 2: magparami ng haláman o haláman sa mga paraang kontrolado 3: magkaroon ng anak