bu•bú•tan 1: kasangkapan sa sasakyan 2: ang kaputol na lubid na nakasuot sa kalô ng dulo ng albor na nakatayô at nakatalì ang isang dulo sa berga ng layag
bu•bu•wí•sir 1: bagay na walang silbi at labis na maaksaya 2: táo na tamad at mabagal 3: táo na labis kumain at gumastos
bu•bu•wít 1: maliit na dagâng-bahay (Mus musculus) na may mahabàng nguso 2: bagong sílang na dagâ (Suncus luzoniensis)
bu•bú•yog : kulisap (family Apoidea order Hichymenoptera) na may apat o higit pang pakpak, may karáyom, at nabubúhay sa pollen at nektar