bu•bó 1: pagbubuhos o pagligwak ng tubig o ibang likido mula sa sisidlan 2: pagtákot sa mga manok o mga hayop
bú•bog 1: kristal, bote, o katulad na materyales 2: baság na bote, kristal, at katulad 3: tíla gulamang damong-dagat
bu•bóng 1: talukap ng mata 2: pinakaitaas na bahagi ng bahay o anumang estruktura na sumasaklob sa kabuuan nitó 3: anumang may gamit na tulad ng bubóng ng bahay hal bubóng ng paa
bú•bo-sa-hí•pon : sa Laguna, panghuli o pansilòng hugis binumbong at nilalagyan ng pain para sa mga hipon