bromeliad (bro•míl•yad) : uri ng haláman (family Bromeliaceae) na karaniwang may maikling tangkay at roseta ng matitigas na dahon
bromide (bró•mayd) 1: salt ng hydrobromic acid na binubuo ng dalawang element, na ang isa ay bromine, hal sodium bromide (NaBr) 2: compound na may bromine, hal methyl bromide
bromine (bro•mín) : element na likido, nagliliyab, matingkad na pulá ang kulay, at kabílang sa halogen family (atomic number 35, symbol Br)
brooder (brú•der) : kulob na kahong palimliman at ginagamit sa pag-aalaga ng mga sisiw na walang inahin