bul•gár 1: nagpapamalas ng kamangmangan o kakulangan sa mabuting asal o panlasa 2: bastós1 3: lantaran at direktang pagpapahayag 4: hinggil sa o binubuo ng pangkaraniwang tao sa lipunan 5: kulang sa estetikong halaga 6: sinabi o ipinahayag sa pamamagitan ng wikang ginagamit ng mga karaniwang tao
búl•ga•rís•mo 1: kabastusan o kagaspangan ng dilà 2: pamamahayag o salitang ginagamit ng mga taong lansangan
bu•líd : bumagsak mula sa isang tungtungan o matatag na puwesto, gaya ng nabulid na salansan ng mga de-lata