bú•lig 1: muling pagbúhay sa lantang haláman 2: pagpapalakas ng katawan, lalo na mula sa karamdaman 3: buwíg 4: katúlong1
bu•lí•ga : anting-anting, karaniwang gawâ sa di-karaniwang bató at isinusuot nang paikot sa baywang laban sa kaaway at panganib
bu•lig•líg 1: pamamagâ ng matá ng manok sanhi ng mga butlig 2: paulit-ulit na pag-uusisa 3: malaswang gawain, gaya ng malaswang paghawak sa ari
bulimia (bu•lím•ya) 1: hindi mapigilang pagkain nang labis 2: bulimia nervosa; pagkakaroon ng depresyon at pagsusuká matapos kumain nang labis
bu•lí•naw 1: uri ng kawáyan 2: langáray pakô 3: isang uri ng maliliit at putîng isda 4: isang uri ng gabe