Bu•líng-Bu•líng : basàan o pag-basâ sa isa’t isa bílang pagdiriwang sa araw ni San Juan Bautista tuwing 24 Abril
bu•lír 1: pagdadagdag sa bílang ng isang barangay, sa pamamagitan ng pagkuha sa kabila para magpantay ang dalawa 2: pagpunô hanggang sa umapaw
bú•lit 1: pinakamalaking ibong robin (Turdus peliocephalus mindorensis) sa Filipinas, may magaspang na tukâ at mga paa 2: lánit1
bul•kán 1: bútas ng lupa na nilulusutan ng lava, abó, at gas 2: bundok o talampas ng naipong lava, abo, at ibang materyales mula sa ilalim ng lupa 3: anumang may katangiang maaaring sumabog
Bul•kán Bu•lú•san : aktibong bulkang matatagpuan sa Sorsogon at may taas na 1,559 m mula sa pantay-dagat