ba•i•sít : katangian ng punongkahoy na matigas ang punò at mga sanga, at may lihang paayon sa kahabaan
ba•ít 1: kakayahang humatol ng tama o mali, mabuti o masamâ, maganda o pangit 2: ingat sa isip, salita, at gawâ
ba•i•táng 1: bahagi ng hagdanan na tinatapakan o kinakapitan sa pag-akyat o pagpanaog 2: antas sa edukasyong elementarya
bá•ka 1: malakí at maamong hayop (Bos taurus), apat ang paa, may sungay, at ginagatasan ang inahin 2: kilos ng paglalaban na may gamit na armas, gaya ng mga sundalo sa isang labanan o digmaan 3: labanán ng dalawang isip 4: palabigasan2
ba•ká-ba•ká•han 1: laruang hubog báka 2: laro ng mga batàng gumagapang at ginagagad ang hakbang ng báka 3: hindi tunay na báka 4: mutha 5: malaki-laking isdang-alat (family Ostraciidae) na sapad ang katawan, may maliit na bibig ngunit makapal na labì, at may isang , pares ng tinik na parang sungay sa ulo