bá•kag : pinakamalaking susulbot sa Filipinas (Halcyon capensis), karaniwang matatagpuan sa dalampasigan at bakawan
bá•kal : element na mabigat, napapanday, makunat, magnetiko, metaliko, at kulay pilak kapag dinalisay ngunit madalîng kalawangin
ba•ka•láw : isda (family Gadidae) na malambot ang palikpik at tumitimbang nang humigit-kumulang sa 22 g.
ba•kám 1: lápat ng mga kahoy sa paggawâ ng bahay o muwebles 2: buklod ng tapayan upang hindi ito maláhang
bá•kam : paghakab sa balát ng isang tao na may karamdaman sa pamamagitan ng kristal na kawangis ng baso
ba•ka•nál : isang napakasayá at walang pagpipigil na pagdiriwang na idinaraos ng mga sinaunang Romano tuwing ikatlong taon para kay Bacchus