ba•kán•te 1: kung sa trabaho o tungkulin, walang gumaganap 2: kung sa bahay o gusali, walang nakatirá o walang umookopa
ba•kás 1: marka ng yapak ng tao o hayop 2: palatandaang pagkakakilanlan sa isang bagay o pangyayaring nakalipas na 3: pilat ng isang sugat
ba•kas•yón 1: isang mahabàng yugto ng liwalíw, lalo na yaong ginugol malayò sa tahanan o sa pamamagitan ng paglalakbay 2: ang pag-iwan sa anumang pinagkakaabalahan 3: isang takdang yugto ng pahinga sa pagitan ng mga semestre o term sa paaralan at sa hukuman
ba•kát : kopyahin, karaniwang sa pamamagitan ng pagpapatong ng manipis na papel sa ibabaw ng nais kopyahin
ba•káw 1: ibon na may maikli at bilóg na pakpak at mahabà ang daliri sa paa 2: uri ng tagák (Butorides striatus) na may halò-halòng kulay abuhin at lungtian ang balahibo