bá•kaw 1: punongkahoy (Rhizopora mucromata) na tumutubò sa tubig álat o tabáng 2: punong-kahoy (Fragraea racimosa) na tumataas nang 6 m, bilóg ang mga dahon, at panggamot sa kagat ng ahas ang bulaklak 3: gagambá
ba•ká•wan 1: bákaw1 2: tawag sa mumurahing sigarilyo na gawang bahay 3: pook na maraming punongkahoy na bákaw o maraming ibong bakáw
ba•ká•wang-la•lá•ki : punongkahoy (Rhizophora apicu-lata), nakatukod ang mga nakatinghas na ugat, karaniwan sa ilog o anumang matubig na pook
ba•káw-ga•bí : tagak-gubat (Nycticorax caledonicus) na may namamayaning kulay kayumangging balahibo at gabí kung maghanap ng pagkain
bak•bák 1: pag-aalis ng balát kung natutuklap sa lamán; pagtuklap sa balát ng punò ng kahoy o prutas 2: pagtanggal sa anumang bagay mula sa pinagkakabitan