- ba•ba•ngánpng | [ ST ]:maliit na bangâ na walang hawakán o tatangnan.
- ba•bá•nganpng | Zoo | [ Mrw Sma Tau ]:karpa (Cyrinus carpio) sa tubig-tabáng.
- ba•bang•ka•tánpng | Zoo:uri ng talakitok (genus Carangoidea).
- ba•bâng-luk•sâpng | [ babâ+ng-luksa ]:panahon ng pagtatapos ng pagluluksa
- ba•ban•sîpng | Zoo:isdang-alat (family Teraponidae, Pelates quadrilineatus) na abuhin ang katawan at may guhit na itim mulang leeg hanggang buntot
- ba•ba•sa•gínpnr | [ ba+básag+in ]:madalîng mabasag, hal baso, kristal
- ba•bá•salpng | Mus | [ Pal ]:makapal na pantambol ng sanang.
- ba•ba•sôpng | [ ST ]:paraan ng paulit-ulit na pagtatangkâ sa isang gawain o eksperimento hanggang magtagumpay.
- ba•bátpng | [ ST ]1:bendang pantakip sa matá2:tao na mapusok at walang pinangingilagan.
- ba•bat•ngánpng | [ ST ]:pook para sa paglambat ng usa.
- bá•bawpng1:[ST] paglalagay ng isang bagay sa ibabaw ng isa pa hal Magbábaw ng nais uminit na ulam sa pinaiining kanin.2:[Bik Tag] babà ng tubig3:kakulangan o kawalan ng lalim
- Bá•bay!pdd | [ Ing bye bye ]:salitâng batà sa pamamaalam.
- ba•ba•ya•gínpnr | [ ST ba+bayag+in ]:walang timpla, gaya ng alak na kailangan pang timplahan ng tubig.
- ba•ba•ya•gínpng | Med | [ ST ba+bayag+in ]:tao o hayop na may luslós.