Ba•bi•lón•ya : sinaunang rehiyon ng Mesopotamia na yumabong mula 1900 BC hanggang 538 BC, sinakop ng Persiya noong 539 BC
baboon 1: alinman sa unggoy (family Cercopi-thecidae, genus Papio o Mandrillus) na mula sa Africa, may mahabàng nguso, malalakíng ngipin, halos magsinghabà ang paa sa harap at likod, at karaniwang maikli ang buntot 2: pangit o bastos na tao.
bá•boy 1: hayop (family Suidae) na ku-makain ng kahit ano, may maikling nguso, at karaniwang inaalagaan para kainin 2: tao na salaula
bá•boy-ba•bú•yan 1: ibon (Coracina striata) na may makapal at malagông balahibo sa pigi at lumilikha ng ingay na katulad ng baboy 2: insekto na karaniwang lumalaki sa ilalim ng malalaking tapayan, pinaniniwalaang gamot sa pigsa.
ba•búy 1: báboy 2: tawag sa isang uri ng maliit na susô o sigay 3: pagbagsak ng mga lumalaban sa magkabilâng panig.