ba•bay•lán : sa sinaunang lipunan, tao na may tungkuling magsagawa ng mga ritwal lalo na yaong pang-alay
bab•bá•boy : isang piraso ng gábe na tinusukan ng patpat, kayâ nagmimistulang baboy, at ginagamit sa seremonya.
babbler (báb•bler) : uri ng ibon (family Timaliidae) na may maigsing pabilog na pakpak at karaniwang magandang humuni
bab•bóng : instrumentong de-kuwerdas na yarì sa yantok, karaniwang ginagamit ng mga batà bago ang anihan para mapabilis ang pagpapahinog ng palay.
Bá•bel 1: sa Bibliya, lungsod na pinagtayuan ng mataas na tore paakyat sa langit, ngunit nahinto ang konstruksiyon dahil nagsalita sa iba’t ibang wika ang mga gumagawâ 2: karaniwang sa maliit na titik, isang maingay at magulong tagpo.
ba•bé•ro : piraso ng tela o plastik na inilalagay sa ilalim ng babà ng batà upang mapanatiling malinis ang damit hábang kumakain