ba•la•ngáy 1: sangay ng samahán 2: a pagkahimatay o pagkamatay dahil sa cerebral hemorrhage b biglaang paghinto ng tibok ng puso
ba•lá•ngay 1: malaking bangka na ginamit sa pagtawid ng karagatan ng mga sinaunang Filipino 2: backstroke sa paglangoy
ba•láng-ba•láng 1: áboábo 2: bagay na may pintang iba’t ibang kulay 3: bakod na hindi maayos ang pagkakagawâ
ba•lang•gót 1: halámang tubig (Scirpus grossus) na may hiblang nagagamit sa paglála ng banig at sombrero 2: sombrerong yarì sa himaymay nitó 3: banig na yarì dito
ba•lang•kád 1: hindi pantay o palukso-luksong pag-aararo 2: pook sa linang na naluksuhan o hindi nasudsod ng araro
ba•lang•kás 1: ang pagkakaayos at pagkakaugnay ng mga bahagi o sangkap ng isang bagay na masalimuot 2: paraan ng pagkakabuo ng isang kapisanan, bahay, o mákiná 3: ang bubungan ng bahay kapag wala itong takip o atip