balance (bá•lans) 1: timbángan1 2: pampantay ng bigat o lakas 3: a patas na distribusyon ng bigat o halaga b tatag ng katawan o isip 4: nakahihigit na bigat o halaga 5: a pagkakatugma o pagkakaiba ng credit at debit ng isang account b halagang dapat pang bayaran c nálabíng halaga; ang nátitirá 6: armonya ng disenyo at proporsiyon 7: relatibong lakas ng iba’t ibang pinagmumulan ng tunog
bá•lang 1: kulisap na kawangis ng tipaklong na mabilis dumami at pumipinsala sa mga pananim na tulad ng palay, mais, at katulad 2: ísdanláwin
Ba•la•ngáw 1: pangkating etniko na matatagpuan sa pusod ng Mountain Province, lalo na sa bayan ng Natonin 2: wika ng naturang pangkatin