ba•lán•se 1: timbangin o paghambingin 2: tumbasán, pantayán, o ayusin ang timbang o halaga 3: patatagin 4: pantayin ang magkabilâng bahagi 5: paghambingin at pantayin ang debit at credit ng isang account
ba•lan•táy 1: lapit; o pagiging malapit 2: pagiging magkaratig o pagiging magkalapit 3: hanggáhan2 4: patúto1
ba•lán•te, ba•lán•tê : maliit na punongkahoy (Homalanthus populneus), salít-salít ang maliit at payat na dahon, at 10 m ang taas
ba•lan•tí•kis 1: uri ng ibong pinaniniwalaang nagbibigay ng babalâ sa anumang masamâng maaaring mangyári 2: ibon na isinumpa
ba•lan•tú•gi 1: hinugasang bigas na hindi naisaing, ibinilad sa araw, at maaaring isaing muli 2: pagganti nang katumbas ng ginawâ ng maysala