ba•lang•kát 1: sapi sa bagay na baság o balî 2: piraso ng kahoy na ginagamit bílang pansalalay sa nabalìng butó 3: salá-saláng kaing na sisidlan ng dalandan, sinigwelas, mangga, at iba pang bungangkahoy 4: buklód
ba•láng•kat : basket ng mga kawayang hinati at itinalì nang may mga puwang upang gamiting sisidlan ng prutas
ba•lang•ka•wí•tan : ibon (family Scolopacidae genus Numenius) mahilig sa dalampasigan at batík-batík ang balahibo, kapansin-pansin ang mahabà at kumukurbang tuka
ba•la•nì 1: uri ng mga pangyayaring pisikal, kabílang ang pagkaakit ng batubalani sa bakal, at nauugnay sa dumadaloy na koryente 2: batubalanì 3: kakayahang umakit at bumighani
ba•lan•sáng 1: a kalabaw na humihila ng troso, karaniwang matatagpuan sa hulihán ng mga kawan ng kalabaw b tikín na hinahawakan ng sirkero para bumalanse hábang tumatawid sa tulay na lubid 2: hindi maayos na pagkasalansan ng mga bagahe sa sasakyan o ng mga kasangkapan sa bahay