ba•lát•ka•yô 1: pagpapalit ng anyo upang hindi makilála 2: kasuotang nagkakanlong sa anyo ng nagsusuot 3: kunwarî o pagkukunwari 4: paglilihim sa tunay na kalagayan
ba•lá•to 1: salapi o bagay na kusang ibinibigay sa ibang tao ng isang nanalong manunugal 2: gantimpala
ba•la•tóng 1: pakikisali sa pag-uusap 2: isang uri ng tela na may iba’t ibang kulay 3: isang magulong awitin 4: pagsasalita nang walang katuturan ng isang taong maysakít na hindi naman baliw 5: pagkakamali
ba•lá•tong-á•so : palumpong (Cassia occidentalis) na dilaw ang bulaklak at pipî ang súpot ng butó, katutubò sa tropikong Amerika
ba•lá•uy : ibong kahawig ng balinsasayaw (Hirundapus giganteus) bagaman ang buntot ay may parang karayom sa dulo