ba•las•bás 1: mabilis na pagpukpok ng martilyo 2: pagpapalit ng bakal ng kabayo 3: pagtangay ng agos sa sasakyang-dagat
ba•la•síng : nakalalasong yerba na ginagamit sa pangingisda; at ginagamit din para mawalan ng gána sa pagkain
ba•lát 1: pinakataklob o bálot ng lamán ng isang bagay, may búhay man o wala 2: rabaw ng isang bagay 3: tawag sa bigat ng ginto 4: nakatagong katangian sa ilalim ng kapintasan
ba•la•tà 1: katad na kolyar ng ásong ipinangangaso 2: panatà, karaniwang bahagi ng pagdadalamhati para sa isang namatay 3: telang inilalagay sa ulo ng kalalakíhan hábang isinasagawâ ang ritwal ng pagda-dalamhati sa magulang na namatay 4: kasunduan ng mga magu-lang ng laláki at ng babae na pag-asawahin ang dalawa págdatíng ng tamang panahon
ba•la•ták 1: pagtawag sa mga áso para bumalik sa bahay 2: pagsipol nang mayroon o walang paghanga 3: utos para tumahimik
ba•la•tás 1: paghawi sa pook upang makaraan 2: pagdaong ng bangka sa káting tubig 3: mga tuntúnin o tagubiling ibinigay para sa pagganap o paggawâ ng isang proyekto o gawain