Ba•lá•tas : pangkat ng liwanag na tumatawid sa kalawakan, nakikíta sa mga gabing walang buwan at unang natuklasan ni Galileo
ba•lá•tay 1: pagpapatong ng isang bagay sa ibabaw ng iba pa, katulad ng paa, braso 2: pagkakakapit nang paayon sa kinakapitan 3: marka na iniwan ng latigong inihampas 4: markang gúhit o guhí-guhít 5: a pagligaw ng laláki sa babae b laláking mangingibig
ba•lat•bát 1: bakod na nagpapahiwatig ng hanggáhan 2: kawayang pahalang sa bubong ng bahay 3: pagtatalì o paggapos ng isang bagay 4: katutubò at maliit na palma (Licuala spinosa), makintab ang dahon na hugis pamaypay, at pulá ang bilóg na bulaklak
ba•lá•tik 1: bulalákaw 2: malalim na hukay na nilagyan ng matutulis na bagay at nagsisilbing bitag 3: saltik
ba•la•ti•tí : ibon na nagdadalá ng maganda o masamâng pangitain o mga pangyayaring nagpapahiwatig ng anumang maa-aring maganap