ba•lú•ga 1: may halò o pinaghalò, hal balugang-tubig, balugang-alat 2: sa ilang bayan ng Batangas, ito ang tawag sa tubig na maalat-alat
ba•lú•kag 1: balahibo sa leeg ng ibon at anumang hayop na kauri nitó 2: kalisag o pangangalisag 3: kilabot1 o pangingilabot
ba•lu•ka•nág 1: ilahas na punongkahoy (Chisocheton cumingianis) na tumataas nang hanggang 20 m at maaaring pagkunan ng langis ang butó para sa paggawâ ng sabon at lampara 2: bagilumbáng
ba•lú•kas 1: humulagpos sa pagkakagapos sa kadena o tumakas sa bilangguan 2: alisin ang takip ng isang bagay
ba•lu•káy : mahabàng kawayan na tinilad at pinaghugis bubo ang isang dulo o nilagyan ng tíla súpot na lambat na panghúli ng isda at pansungkit ng bungangkahoy