ba•ló•wat 1: pagpapatong pakrus ng isang kahoy 2: pagtayô ng alipin sa harap ng kaniyang mga panginoon
bal•sá 1: sasakyang pantubig na yarì sa pinagdatig-datig na mga kawayan o punongkahoy 2: kasangkapang yarì sa dikit-dikit na maiikling pútol ng kawayan at ginagamit na pampatag o pandurog ng lupa
bál•sa 1: uri ng kahoy na matibay, magaan, at ginagamit sa paggawâ ng mga modelo at katulad 2: punongkahoy (Ochroma lagopus) na katutubò sa tropikong America
bál•sa•mó : aromatikong oxidation ng resina, tulad ng pampahid o pabangong nakukuha mula sa iba’t ibang punongkahoy at palumpong na ginagamit na base sa ilang pabango o preparasyong medikal
bál•se 1: isang sayaw sa ballroom na masigla at urong-sulong ang magkapareha 2: tugtog o komposisyon para sa naturang sayaw