ba•lú•lang 1: kulungan ng manok na yarì sa dahon ng bule o maninipis na patpat ng kawayan 2: sasabunging tandang na karaniwang inilalagay sa nasabing uri ng kulungan 3: matapang na sigarilyong binilot
ba•lúm•ba•lú•nan 1: bahagi ng katawan ng manok, nása ibabâ ng leeg, at pansamantalang imbakan ng tinukang butil 2: munting hukay na parang balon
ba•lum•bón 1: bilot ng malaking bagay na may malaking bútas, gaya ng balumbon ng banig o balumbon ng yero 2: pangkat ng mga tao na kumikilos 3: sabay-sabay na pag-alis mula sa isang pook at nagkaapakan 4: pagkabunton o pagsasáma-sáma sa isang bunton
ba•lú•ngan 1: dakong binubukalan ng tubig 2: sisidlan sa bangka upang hindi mabasâ ang mga dalá-daláhan
ba•lú•ngay : tuwid na kahoy, tumataas nang hanggang 10 m, hugis itlog ang dahon, bilugán ang bunga, at ginagamit na gamot ang balát
ba•lung•ka•líng 1: dahilan ng pag-iral 2: makatwirang paliwanag o paglilinaw sa mga dáting hindi maintindihan 3: pagtanggap sa isang panauhin at makalimot sa pagtanggap ng iba