pinakamalaking uri ng tinikang uláng sa genus Panulirus, ang lalaki ay umaabot sa habàng 43 sm at bigat na 2.8 kg, may kulay na abuhing kayumanggi, kulay kahel ang tinikang talukab, at may matitigas na mga galamay
maliit hanggang malaki-laking punongkahoy (Thes-pesia populnea) at tinatawag na Polynesia rosewood, may bulaklak na nag-iisa at mahabà ang tangkay, katutubò sa Filipinas, Africa, at Asia
isdang-alat (family Mugilidae) na malapad ang ulo, may lambi ang palibot ng matá, at manipis at makinis ang labì, tinatawag na ágwas kapag nangingitlog at talilong kapag maliit pa
mapang-uyam na tawag sa maliit at mahirap na estado, lalo na sa Central America, na nakasandig ang ekonomiya sa agrikultura at nása ilalim ng diktadura
2:
estadong madaling paglaruan ng ibang mayamang estado