bang•gít 1: mabilis at madaliang pagsasabi sa pangalan ng tao, hayop, o bagay 2: hagis o paghagis, gaya ng paghahagis ng trumpo sa trumpo ng iba
bang•háy 1: isang guhit o isang pangkat ng mga guhit na tumutukoy sa hugis ng isang bagay, lalo na sa paggawâ ng krokis o dayagram 2: pangkalahatang plano o borador na nagdudulot ng mga pangunahing katangian subalit walang mga detalye 3: pangkalahatang takbo ng isang salaysay 4: pagbabago ng anyo o paglalapi ng pandiwa
ba•ngí•bang 1: plumahe ng ibon at iba pang hayop, karaniwang kinukulayan at ginagamit na palamuti sa mga sombrero, gora, o kapasete 2: a tabla na pamalò b Mus , instrumentong hugis hanger, yari sa kahoy, at hinahampas ng kaputol ng kahoy para patunugin, karaniwang ginagamit sa mga ritwal 3: pakpák2
ba•ngí-ba•ngí : uri ng maliit na crustacean na magkahalòng putî at asul ang kulay at hindi maaaring kainin ng tao