bang•kíl 1: bilóg na metal o kahoy sa loob ng pinto o bintanang pinadadausdos o pinadudulas 2: metal o kahoy na pampilipit o panghigpit ng lúbid
bang•kí•las 1: mga bangkang pinagtabí at itinalì sa isa’t isa 2: balsa1 3: ang kalinawan na iniiwan ng araw sa paglubóg nitó, na nagpapaliwanag sa karagatan
bang•kí•to : upúang walang sandalan o dantayan, karaniwang para sa iisang tao, at may tatlo o apat na paa
báng•ki•yáw : piraso ng tela o sirâng banig na may tagdan at itinatayô sa bukid upang ipantakot sa mga ibon
báng•ko 1: establisimyentong nangangalaga, nagpapahiram, at nagpapalit ng salaping inilagak ng mga kostumer, nagbabayad at nagpapautang ng salapi, at nagsasagawâ ng iba’t ibang transaksiyong pampinansiya 2: salapi ng kapitalista sa sugal 3: alinmang reserbang suplay 4: pook na tinggalan ng gayong suplay