ba•ngi•lán 1: pagpapangalan ng áso batay sa hibla ng balahibo 2: buhok o balahibo ng hayop na salu-salubong
ba•ngín : makitid na lambak na may matarik na gilid, karaniwang bunga ng pag-agnas ng rumaragasang tubig
bang•kâ 1: maliit na sasakyang pantubig, karaniwang inuka sa kahoy, ginagamitan ng sagwan upang umusad, at may layag o katig kung minsan 2: pangkalahatang tawag sa lahat ng maliit na sasakyang pantubig 3: sa sugal, tao na kalaban ng tumatayâ
bang•kál 1: punongkahoy (Nauclea orientalis) na mataas, tuwid, kulay dilaw, at ginagamit na gamot sa bukol o tumor ang dahon 2: mataas na punongkahoy (Nauclea junghuhnii) na umaabot hanggang 25 m 3: terása2
bang•ka•láng : kauri ng butikî at bubúli (order Caudata), may mahabàng buntot at balát na makinis at madulas