bang•ka•ró•te 1: a walang kakayahang legal na magbayad ng utang at pinamamahalaan ng hukuman ang ari-arian b nililitis ng hukuman dahil dito 2: said na said
bang•kás 1: tandang na kulay dilaw at kape na nababatikan ng putî ang balahibo 2: uri ng banoy (Spilornis cheela) na katamtaman ang lakí at may putîng balahibo sa dibdib
bang•kát 1: uri ng pinong lubid 2: pansalalay na bilóg 3: balangkát1 4: basket na yarì sa kawayan na kulungan ng manok 5: isang uri ng lambat na ginagamit sa pangingisda 6: silo na iniuumang sa mga kanal