careo (ka•ré•yo) : pamamaraang panghukuman na pinaghaharap o may komprontasyon ang mga saksing may magkasalungat na opinyon
Caribbean (ka•ríb•yan) : ang rehiyong sumasakop sa Dagat Caribbean, mga pulô dito, kasáma ang West Indies
carina (ka•ráy•na) : anumang bahagi o estruktura na may hugis kilya, gaya ng talulot ng bulaklak at panggitnang buto sa dibdib ng ibon
Carlo Magno (kár•lo mág•no) : hari ng mga Frank (768–814 AD) at si Carlos I bílang emperador ng Banal na Emperyong Romano, at pumigil sa pananalakay ng Muslim sa Europa
carnation (kar•néy•syon) : maliit na yerba (Dianthus caryophyllus), mataba ang bughaw at lungting dahon, at iba-iba ang matitingkad na kulay ng bulaklak, katutubò sa Mediteraneo
carotene (kár•o•tín) : alinman sa tatlong isomerikong puláng hydrocarbon (C40H56) at nakukuha sa carrot