caste (keyst) 1: namamánang uring panlipunan na kinapapalooban ng mga tao na may magkakatulad na antas, hanapbuhay, katayuang pangkabuhayan, at may kaugaliang ikinabubukod sa ibang pangkatin 2: sistema ng ganitong pagpapangkat sa lipunan
Castilla (kas•til•ya) : rehiyon sa gitnang Espanya; isang dáting kahariang nanguna sa pagkakatatag ng Espanya bílang isang makabagong bansa
Castor (kás•tor) 1: kakambal ni Pollux at anak ni Leda kay Zeus 2: ikalawang pinakamaningning na bituin sa konstelasyon ng Gemini
castoreum (kas•tór•yum) : kulay kapeng sangkap na lumalabas sa glandula ng beaver, may maalingasaw na amoy, at ginagamit sa paggawa ng medisina at pabango
castor oil (kás•tor oyl) : kulay dilaw na langis mula sa bunga ng castor oil plant; ginagamit na pampurga at sangkap sa mga produktong may langis