carotenoid (ka•ro•té•noyd) : alinman sa mga pangkat ng dilaw o puláng pigment na magbibigay kulay sa halaman
carotid (ka•ró•tid) : alinman sa dalawang malaking artery sa gilid ng ulo na naghahatid ng dugo sa leeg at mukha at sa panloob na artery na nagsusuplay ng dugo sa utak, mata, at iba pang panloob na bahagi
car pe diem (kár pi dyím) 1: paggawa ng kailangang gawin sa isang araw 2: paksa ng tulang liriko na nagpapakíta ng mga kabataan at ng kanilang pagkahilig sa panandaliang kasiyahan
car pool (kar pul) 1: kasunduan ng mga may-ari ng sasakyan na magsalitan ng gagamiting sasakyan mula at patúngo sa isang pook 2: sinumang kasáma sa ganitong kasunduan
carrot (kár•ot) : halamang-ugat (Daucus carota) na may mahabàng lamán, kulay kahel, at nakakain nang hilaw
carry over (kér•i ów•ver) 1: pagpapalawig o pagpapaliban ng isang gawain o panahon para sa kasunod 2: sa bookkeeping, paglilipat ng kantidad sa susunod na pahina 3: sa akawnting, paggamit ng di nagalaw na kredit o lugi upang mabawasan sa tax 4: sa karera, ang hindi paglabas ng pinakahulíng numero sa tayâng pick six