cartridge (kár•trids) 1: kartutso1 2: maliit na sisidlan ng pulbos, likido, o gas 3: metal o plastik na lalagyan ng film 4: sapád at siksik na kaha ng audio tape
carve (karv) 1: hiwain ang isang matigas na bagay upang lumikha ng isang makasining na disenyo 2: humiwa ng nilutong karne
carving (kárv•ing) : bagay na resulta ng paghiwa sa isang matigas na bagay túngo sa isang likhang pansining
cash register (kash ré•dyis•tér) : mákiná sa pamilihan na may drawer para sa pera at nagtatalâ ng benta na nagsisilbing resibo