- cabildo (ka•bíl•do)png | Kas Pol | [ Esp ]:noong panahon ng Espanyol, lupon ng mga opisyal ng lungsod
- cabin (káb•in, ká•bin)png | [ Ing ]1:maliit na silungán o bahay na karaniwang yari sa kahoy2:silid o bahagi ng silid para sa pasahero o tauhan ng sasakyang panghimpapawid o pandagat3:natatakpang lalagyan ng kargada sa sasakyang panghimpapawid
- cabin boy (ká•bin boy)png | [ Ing ]:tagasilbi sa mga pasahero ng bapor
- cable TV (kéy•bol tí•vi)png | [ Ing ]:sistema ng paghahatid ng programang pantelebisyon sa pamamagitan ng cable
- Cabo de Buena Esperanza (ká•bo de bu•é•na es•pe•rán•za)png | Heg | [ Esp ]:Tangos Buena Esperanza
- cabo de vara (ká•bo de vá•ra)png | [ Esp ]:bastonero2
- caboodle (ka•bú•del)png | [ Ing kit and boodle ]:ang kabuuan ng lahat
- caboose (ka•bús)png | [ Ing ]:kusina sa barko
- cabriolet (káb•ri•yo•léy)png | [ Fre ]:kompartamento para sa drayber sa tren, crane, at mga katulad
- cache (kash)png | [ Ing ]1:pook na taguán ng yaman, mahalagang gamit, o armas2:ang nakatago rito3:dagdag o reserbang memory
- cachexia (ka•kék•sya)png | Med | [ Ing ]:pangangayayat dahil sa malubhang karamdamang tulad ng kanser
- cacodyl (kák•a•díl)png | Kem | [ Ing ]:mabaho, nakalalason, at agad lumiliyab na likido (tetramethyldiarsine), (CH3)2As -As(CH3)2.