centimeter-gram-second system (sen•ti•mi•tér-gram-sé•kond sís•tem) : sistémang sentimétro-grámo-segundo
Central Cordillera (sén•tral kor•dil•yé•ra) : bulubunduking may habàng 275 km mula sa gitnang Luzon túngo sa hilagang Luzon at Bundok Pulog ang pinakamataas na taluktok, 2,928 mula sa pantay-dagat
Central Intelligence Agency (sén•tral in•té•li•dyéns éy•dyen•sí) : pangunahing ahensiya ng pamahalaan ng Estados Unidos sa pangangalap ng impormasyon, lalo na tungkol sa kaaway
Central Processing Unit (sén•tral pro•sés•ing yú•nit) : mahalagang bahagi ng sistema ng computer na naglalamán ng net-work ng elektrisidad na kailangan upang magsagawa ng instruksiyon
century egg (sén•tyu•rí eg) : burong itlog ng mga Tsino na nilagyan ng sangkap na pampaitim, karaniwang kinakain bílang pampagana
century plant (sén•tyu•rí plant) : agave (Agave americana, family Agavaceae) na walang tangkay at may mahabàng matinik na mga dahon, namumulaklak pagkaraan ng maraming taon at sakâ namamatay