cephalopoda (sef•á•lo•po•dá) : uri ng mollusk na may katangi-tanging ulo, malakíng matá, at mga galamay, hal pusit, oktopus
cerebellum (ser•e•bél•um) : malaking bahagi ng utak na nag-uugnay ng boluntaryong galaw, tinig, at balanse ng tao, nása likod at ibabâ ng cerebrum
cerebrum (ser•é•brum) : pinakamalaking bahagi ng utak na may dalawang hemisphere at kumo-kontrol ng boluntaryong mga galaw, at nag-uugnay ng mga aksiyong pangkaisipan
certiorari (sér•syi•yo•rá•ri) : kahilingan sa nakatataas na hukuman na pawalang-bisà ang kapasiyahan ng nakabababàng hukuman
cha-cha (tsá-tsa) 1: sayaw sa Latin America na katulad ng mambo 2: sa Filipinas, pinaikling tawag sa charter change, pagbabago sa nila-lamán ng Saligang Batas