chamber (tséym•ber) 1: kámará1 2: kapulungan 3: tanggapan ng huwes; katabi ng hukuman 4: kompartment o kulong na puwang o cavity sa isang estruktura 5: yungib 6: lupon
chamber music (tséym•ber•myú•sik) : musikang tinutugtog ng isang maliit na pangkat, karaniwang sa isang silid sa halip na bulwagan
chamois (tsám•wa) 1: maliksing antelope (Rupicapra rupicapra), natatagpuan sa kabundukan ng Europa at Asia 2: a malambot na katad mula sa tupa, kambing, at katulad b pampunas o pampakintab mula rito